Huwebes, Agosto 4, 2011


Alaala ng Isang Taglagas
Ni Pedro S. Dandan

I.Tauhan:
Tagapagsalaysay (tauhang lapad) – ang nagkuwento ng mga pangyayari.
II. Tagpuan:
Sa ilalim ng puno malapit sa isang pangpang.
III. Banghay ng kuwento:
A.Suliranin:
Muling binalikan ng nagsasalaysay ang mga nangyari sa kanyang minamahal. Hindi niya parin matanggap ang lahat.
B.Kasukdulan:
Hindi niya kakayanin ang pagkawalay sa taong kanyang pinakamamahal kung kaya’t ayaw niya itong mawalay sa kanya. Pilit niya itong pinipigilan . . . hinahanap at tinatanong nasaan ka na ?
C.Kakalasan:
Sa puntong ito ng kuwento hindi niya parin matanggap ang nangyari sa kanyang minamahal. Ngunit buhay parin sa kanyang puso ang pag-ibig niya sa kanyang mahal sa buhay.
D. Wakas:
Hindi niya parin matanggpap kung bakit kinuha kaagad siya ng tadhana ng maaga marahil nakuha nga siya ng tadhana ngunit hindi parin nawawala ang pag-ibig ng nagsasalaysay sa kanyang minamahal.
IV. Aral:
Ang dalawang taong may tunay na pagmamahalan sa isa’t-isa ay makaranas man ng kahit anong paghihiwalay, kahit ito man ay ang kamatayan, ang pag-ibig nila para sa isa’t-isa ay hinding hindi maglalaho.



V. Bisang Pangka-isipan:
Pagkatapos mabasa ang kuwentong ito naisip ko lang na dapat nating ipakita at ipadama sa mga ating minamamahal kung gaano sila kahalaga sa atin hindi kasi natin masasabi kung kalian sila kukunin ni God. Alam kung masakit na mawala sila sa atin pero lagi nating isipin na nandyan si God at kahit kalian hinding hindi Niya tayo papabayaan. Lagi lang tayong magdasal.
VI. Bisang Pangka-asalan:
Kahit hindi pa matanggap ng nagsasalaysay ang nangyari ipinakita niya naman na kahit kailan hinding hindi mawawala ang pag-ibig niya sa kanyang minamahal. Dapat nating tularan ang pag-uugali niyang ito, hindi natin dapat kalimutan ang mga nagawa at mga aral na naituro sa atin ng mga pumanaw nating mga mahal sa buhay.
VII. Bisang Pangdamdamin:
Ako’y nalulungkot at naawa sa nagsasalaysay sa kanyang naranasan. Talagang masakit mawalan ng minamahal sa buhay lalo na kung hindi pa natin inaasahan ito Bahagya akong humahanga sa kanya dahil kahit iniwan na siya ng kanyang minamahal ay buhay parin ang pag-ibig niya para sa kanyang mahal sa buhay.
VIII.Rekomendasyon:
                       
IX. Buod
            Sandal akong humimlay sa mga lagas na dahon at talutot ng bulaklak na animo’y sutlang banig na sadyang inilatag ng panahon sa gulod. Malikot ang hanging nagmumula sa hilaga, at ang manila-nilaw at malunti-lunting dahong naglalagas sa mga punongkahoy ay isinasabog niyon sa papawirin na waring mga lasog na pakpak ng hindi kakaunting paruparo.
            Samantalang nakaduyan ako sa dibdib ng kalikasan ay mariing pinagsalikop ko ang mga pilik ng aking mga mata at binayaan kong makalata ang aking makipigtipan sa iyo sa isa sa maayang araw ng taglagas.
            Ang inyong kaluluwa at ang aking kaluluwa ay muling nagkaisa-bagama’t hindi makapanawagan sa aking pandama ang iyong katawan. Nanuot sa aking puso ang iyong tinig na lumangkap sa kaiga-igayang musikang nagbabangon sa is-is ng mga talahib at alatiit ng mga punong-kawayan na yumuyukod at naggigitgitan. Nalanghap ko ang iyong bango sa amoy-pinipig na buntong-hininga ng kalikasan. Nakita ko ang inyong anyo sa langit na walang bahid-ulap at ang ningning ng iyong mga mata ay nasalamin ko sa pinilakang sinag na humihiwa sa maputing alapaap.
            Sa paglipas ng mga sandali, ang mapuputing ulap, na animo’y mga kawan ng tupang itinataboy ng kanilang pastol, ay pumindong sa liwanag ng araw at ikaw ay naglaho sa paningin ng aking guniguni.
            Huwag…huwag mo akong lisanin…kahit saglit! Iniwalay ka man sa akin ng kabilang buhay, ay inuugnay ka rin sa akin ng pag-ibig.
            Dumilat ako at naramdaman ko ang dampi ng maligamgam na simoy sa aking marak nang mga pisngi, ngunit hindi na taglay ang timyas ng iyong mga halik.
            “Nasaan ka? Magbalik ka! Magbalik ka!
            Ako ay nagbangon at naupo sa nakausling ugat sa pampang ng isang malinaw na batis pinanununghan ng gulod. Pinilit kong maaliw ang kalooban sa pagsakay sa pakpak ng simoy na kumakampay sa kalawakan. Iyon ay naging mailap. Nakipaglaro sa sumasalimbay na ibon at nilagas ang mga dahon ng punong akasya hanggang sa halos nahubdan ang mahahagway na mga sanga.

            Isang sariwang bulaklak: iyon ay nasa kanya pa lamang pamumukadkad at sa kuyom na ubod ay nagmumula ang isang banal na samyo ng pag-ibig. Siya . . . ang nabalingan ng simoy. Niyutyot sa tangkay . . . at walang awang kinitil! At ang bulaklak ay dahan-dahang nalagak sa dibdib ng Kristal na batis.

            Napakagat-labi ako sa kakapusang-palad ng bulaklak!

            Ngunit…iyon ay inanod ng batis patungo sa may pampang…hanggang sa animo’y malikmatang unti-unting nagkakaanyo sa durungawan ng aking kaluluwa ang isang kaakit-akit na mukhang gumitaw sa tampok ng mga talutot ng bulaklak. Gumitaw na mukhang ari ng isang binathalang kagandahang hindi pa nag-iilang-saglit na nagmaliw sa aking paningin.
            Ikaw ay muling inihandog sa akin ng Diyos: mula sa pagkasapupo ng mga talutot ng isang lagas na bulaklak. Iyon ay sinalok ko sa puyo ng aking palad at ang ubod ay siniil ko ng halik. Naramdaman ko: ang kabusilakan ng iyong kaluluwa ay tumiim sa aking nangangatal na labi.
            Tadhana, naatim mong agawin ng taglagas ang isang bulaklak na nasa kanya pa lamang tagsibol!
            At ilang patak na luha ang natagubilin sa mga talutot ng bulaklak!





LIDIA

Ni Juan Crisostomo Soto

I.Tauhan:
Lidia (tauhang lapad) – iniibig ni Hector
Hector (tauhang lapad) – kasintahan ni Lidia
II. Tagpuan:
Isang hapon, Kung saan palaging maraming tao . . . sa simbahan.
III. Banghay ng kuwento:
A.Suliranin:
Nagbago na ang pakikitungo ni Lidia sa kanyang kasintahan. Nanlamig na ang kanilang relasyon.
B.Kasukdulan:
Nagpakamatay si Hector. Hidi niya nakayanan ang kinahinatnan ng relasyon nila ni Lidia.
C.Kakalasan:
Sinisira ng kaibigan ni Hector ang tiwala ni Lidia kay Hector, hinaharang niya ang lahat ng mga sulat ni Hector para kay Lidia. Dahil may lihim na pagtingin ang kaibigan ni Hector kay Lidia.
D. Wakas:
Nalaman lamang ni Lidia ang katotohanan nang patay na ang kanyang pinakamamahal na kasintahang si Hector. Bilang ganti, ipinaluhod at pinahingi ng patawad ni Lidia ang kaibigan ni Hector sa mismong puntod ng kanyang kasintahan.
IV. Aral:
Kung mahal mo ang isang tao ay dapat mo siyang pagkatiwalaan at siguraduhin natin na ang ating mga kaibigan ay tapat at makapagkakatiwalaan. Baka kasi ito ang maging dahilan ng pagkasira ng iyong buhay.


V. Bisang Pangka-isipan:
Matapos basahin ang kuwentong ito, pumasok sa aking isipang kung gaano kahalaga ang salitang “tiwala” sa isang relasyon. Hindi sapat sa magkasintahan ang pagmamahalan kung wala namang tiwala sa isa’t-isa. Ngunit natutunan ko rin ang labis na pagtitiwala ay nakakasama. Sumobra ang pagtitiwala ni Hector sa kanyang kaibigan na naging dahilan ng pagkasira ng kanyang relasyon kay Lidia at ng kanyang buhay.
VI. Bisang Pangka-asalan:
Nagawa ni Lidiang paluhurin ang kaibigan sa harap ng puntod ng kasintahan at paghingiin ng tawad kay Hector, dito ay napakita ni Lidia na mahal niya parin ang kanyang kasintahan.Dapat ay maging matapang at malakas tayo sa oras na iniwan na tayo ng minamahal na atin sa buhay kagaya ng ipinakita ni Lidia sa kuwento. Ito ang mga asal na dapat nating tularan.
VII. Bisang Pangdamdamin:
Nalungkot ako pagkatapos basahin ang kuwentong ito. Masakit malaman ang akalang pagmamahalang walang katapusan ay matatapos lang nang dahil sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan. Talaga namang hinahangaan ko si Juan Crisostomo Soto dahil nakalikha siya ng isang kuwento na gumising sa aking damdamin.


IX. Buod
Kasintahan ni Lidia si Hector, ngunit pagkaraan ng ilang panahon,biglang nagbago ng pakikitungo si Lidia sa kasintahan. Maging sa pamaskong pagtitipong dinaluhan nila sa bahay ng kaibigang si Miling at sa pamamasyal nila sa pagdiriwang ng Naval sa Angeles, ipinahalata ni Lidia kay Hector ang panlalamig ng kanyang pag-ibig dito.
Isang hapon, ipinasya ni Hector na kausapin si Lidia sa kanilang pag-uwi galing sa simbahan. Ngunit sa halip na pagbuhatan ng kamay ang dalaga sa kanilang pagsasagutan, niyakap at hinagkan ni Hector sa publiko si Lidia na naging dahilan ng paghahabla ng mga magulang ng dalaga sa likha ng eskandalong ginawa ng binata.
Isang mahabang liham ng pag-ibig ang ipinadala ni Hector kay Lidia ngunit bago iyon nabasa ng dalaga, dinalaw siya ng nakakatakot na panaginip. Namatay daw si Hector. Kinabukasan ng umaga, natagpuan nga ang bangkay ni Hector sa isa nilang bakanteng bahay na nagsisilbing botika ng mga magulang ng binata. Isinumbat kay Lidia ng mga kababayan ang pagkamatay ni Hector.
Ang pagbabago pala sa pakikitungo ni Lidia sa kasintahan ay dahilan sa isang kaibigan ni Hector na humaharang ng mga liham ng dalaga para sa kasintahan. May lihim na pagtatangi kay Lidia ang kaibigan ni Hector. Siniraan nito si Hector na hindi ito tapat sa dalaga. Nalaman lamang ito ni Lidia nang patay na ang kasintahan.
Nakatagpo ni Lidia sa libingan ang taksil na kaibigan ni Hector. Nagawa ni Lidiang paluhurin ito sa harap ng puntod ng kasintahan at paghingiin ng tawad kay Hector.








PLOP! CLICK!

I.Tauhan:
Koto (tauhang lapad) – bulag na amo ni Kikiuchi
Kikuichi (tauhang lapad) – bulag na masunuring utusan ni Koto
Nagdaan – pinagkatuwaan ang dalawang bulag
II. Tagpuan:
Sa isang malawak na kapatagan at karagatan.
III. Banghay ng kuwento:
A.Suliranin:
Pinagkakatuwaan sila ng Nagdaan. Sinisira niya ang tiwala ng mag-amo sa isa’t-isa kahit alam niyang mga bulag ito.
B.Kasukdulan:
Tuwang-tuwa ang Nagdaan sa kanyang ginagawa. Unting-unti ng naasar ang mag-amo sa isa’t-isa.
C.Kakalasan:
Tuluyang nawala na ang pagtitiwala ng mag-amo sa isa’t-isa.
D. Wakas:
Nag-away ang mag-amo nawalan sila ng tiwala sa isa’t-isa. Hindi nila alam na pinag-aaway lamang pala sila.
IV. Aral:
Matuto tayong magtiwala sa ating mga kasama dahil baka may sumusubok lamang sa tatag ng  pagsasama natin.
V. Bisang Pangka-isipan:
Hindi naging sagabal sa mga bulag ang gumala, uminom at magsaya. Gusto ng manunulat na isipin ng mambabasa na huwag nating hayaan ang mga problema na maging sagabal sa ating pangarap.
VI. Bisang Pangka-asalan:
Si Kikuichi kahit bulag ay pilit paring tutulunga sa aabot ng kanyang makakaya ang kanyang amo habang si Koto naman ay naging mabuti at mabait na amo. Hindi ibig sabihin ikaw ang amo ay aapihin mo na ang iyong utusan. Ito ang mga ugali na dapat nating tularan sa kuwento.
VII. Bisang Pangdamdamin:
Naiinis ako pagkatapos basahin ang kuwentong ito. Hindi ko matanggap ang huling bahagi ng kuwentong ito, sa halip na tulungan ang mga taong may dipirensya, pinaglaruan pa sila. Parang ipinakita ng manunulat kung may dipirensya ka ay paglalaruan ka lamang sa mundong ito !
VIII.Rekomendasyon:

IX. Buod
Si Koto ay amo ni Kikuichi. Sila ay parehas bulag, isang araw naisipan ni Koto na mamasyal at iinum din siya ng sake. Ang sake ay inumin o alak ng mga Japanese na gawa sa bigas. Naghanda sa pamamasyal sila koto at Kikuichi gusto ni Koto na pumuntang kapatagan sapagkat lumalawak daw ang kanyang puso at nakakapag pagaan daw ito ng loob niya. Habang naglalakad ay nag uusap sila tungkol sa Heiki. Ito ay isang pampanitikang epiko. Sabi ni Koto kay Kikuichi ay kapag maitalaga daw siya bilang isang kengyo ay gagawin daw niyang koto si Kikuichi. Maya maya ay nakarinig sila ng rumaragasang tubig at siguro ay ito ay isang dagat. Kailangan nilang tumawid sa kabilang pampang. Naghagis sila ng bato. Ang unang hagis ay tumunog ng plop! Ibig sabihin ay malalim ito. Sa kabilang banda naman ay click! ibig sabihin ay mababaw lang dun. May nagdaan at nakita ang dalawang bulag. Pinagkatuwaan niya ang dalawang bulag. Sabi ni Kikuichi ay bubuhatin niya na lang daw si Koto. Nuong una hindi pumayag si Koto pero nung huli ay napapayag na din ito. Nang papasanin na ni Kikuichi si Koto ay ang taong nagdaraan ang siyang sumakay at siya ang napasan ni Kikuichi. Nang makarating na sila ng pangpang at hinahanap ni Koto si Kikuichi at tinanong kung bakit hindi pa daw niya pinapasan ito. Sabi naman ni Kikuichi ay naipasan na daw niya ito. Nagalit si Koto, kaya naman bumalik si Kikuichi para pasanin si Koto ngunit siya ay natalisod at sila ay nabasa. Nang nasa pangpang na sila ay naisip ni koto na uminom na lamang ng sake. Unang lagay ay ang lalaking nagdaraan ang uminom ng sake. At maging pangalawang tagay. Nagaglit na si Koto kay Kikuichi dahil naubos na ang sake. Pinag-away ng nagdaraan ang dalawa. At sinaktan ito upang magkagalit sila. Sa huli ay nag-away ang dalawa at walang kamalay-malay na sila ay pinag-aaway lamang.